Showing posts with label random. Show all posts
Showing posts with label random. Show all posts

Thursday, August 13, 2020

Agosto 11, 2020 – Martes

Sinimulan ko ang araw ko ng normal, pagkabangon nag-exercise konti, naghilamos, nagtimpla ng kape, kumain ng almusal, nagsimula magtrabaho. Inaalala at natatawa dahil nung lumipas na Biyernes, niloko ko si mama na buntis ako kaya ako nahihilo, ang laki ng ngiti niya sa akin, maaring dahil oo naniniwala siya o baka alam niyang niloloko ko siya. Noong Linggo din, tinanong ko siya kung kumain na siya, at sinagot nya ko ng deretso ng “oo”. Di na siya malinaw magsalita gawa ng halos 8 taon na siyang bed-ridden dahil sa stroke. Gulat na gulat ako, gulat na masaya.

Pagdating ng tanghali kinatok ako ng kuya ko, paglabas ko ng pinto narinig ko na agad, hirap na hirap si mama huminga, nilapitan ko at paghawak ko ng dibdib nya, madami ngang plema. Sinusubukan naming siyang kalmahin habang hinahanda na din naming ang nebulizer, paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na “Mama, kalma ka lang. Nandito lang kami. Kinukuha na gamot mo.” – mahirap para sa amin na nakikita siyang ganito, ilang beses na din siyang dinala sa ospital nung mga nakaraang taon na lumipas, pero lagi kaming umaasa na magiging ok siya. Kinakabahan ako habang hawak ko ulo at dibdib niya, nakatingala lang siya na parang di kami naririnig. Tinanong ko siya, “Ma, nasaan ka?”, paulit-ulit ko sinasabi sa loob ng utak ko na “Ma, tumingin ka sakin please”. Nung dumating na si Toi at ni-nebulize siya, lumuwag na yung paghinga niya at tinagilid namin siya para lumabas ang mga plema niya, kumalma kami nung nakita namin na lumalabas na at dahil na din siguro sa gamot, unti-unti na kumalma si mama. Bumalik na kami sa mga trabaho naming at nakabantay si Ate Alice kay mama.

4:30 pareho pa kaming may meeting ng kuya ko, kumatok si Ate Alice, pagpunta ko ng kwarto maputla na si mama, hindi na sya humihinga, may nilabas daw na madaming plema pagkatapos nagkaganun na, nag CPR na si Totoi, tumakbo na ko sa barangay para sa ambulansya. Habang nasa ambulansya kami hinawakan ko ulit dibdib niya, meron pang mahinang-mahinang heartbeat. Sabi ko sarili ko kaya pa to, pero iba na din ang ihip ng hangin, hindi ko lang pinapansin, ayoko pansinin.

Pagdating sa ospital pinilit kong maasikaso kami agad kahit may mga sinasabi sila na “Maam bakit dito nyo dinala may mas malapit na ospital sa inyo”, “Puno na po kami kasi”, “Maam bakit wala kang mask?”, “Ilipat nyo po siya sa ibang ospital”, nagtaas na ko ng boses “ANO? HINDI NA SIYA HUMIHINGA! DI BA EMERGENCY TO?!” ayon may lumapit na ibang nurse, binaba na nila at pinasok emergency, dumating na din si Toi na nagpark lang ng kotse, nakasunod lang siya nung nasa ambulansya kami.

Sobrang bilis lang din ng mga pangyayari yung mga babayaran, mga papel na kailangang sagutan, kahit ano na gagawin ko basta maasikaso lang si mama ng mga doktor, pagbalik ko kay Toi, nire-revive na daw si mama, kausap siya nung doctor na naka full PPE, hindi ko naiintindihan dahil mahirap din magkarinigan dahil sa mga mask namin, mahirap din intindihin dahil sa loob ko, hindi ko na din makalma sarili ko kahit na hindi halata. Wala akong naiintindihan. Pumasok ulit yung doctor at naupo kami sa labas ni Totoi at Ate Alice, paglabas ni doc, 2 try na lang daw ng injection na pampatibok ng puso ang mabibigay, 20 mins nang hindi humihinga si mama. Pumayag na kami, lahat ng pwedeng gawin, gawin na. Pagpasok ulit ni doc nag-usap na kami ni Totoi, sabi nya “Mai, ‘pag ito hindi gumana, wala na, ok lang ba sayo?” nakatingin ako sa mga kotse na dumadaan, “Wala naman tayong choice”. Di naman natin makokontrol talaga, kapag wala na, wala na talaga.

Dumating na si Jen, nagusap na sila ni Totoi, naglalakad ako pabalik-balik sa labas ng emergency room, pinipilit sumilip sa siwang ng pinto kung saan nakikita ko ang mga paa ng nanay ko, na hindi gumagalaw. Umaalog lang dahil sa pag-revive. Sabi ko sa sarili ko, “Alam mo Maiah na mangyayari din ito, handa ka na ba? Handa ka na.”

Paglabas ng doctor, kasabay ng iba pang mga pagod na doctor na mukang natalo, nagsabi na sila ng mga condolence, at dahil sa “medyo” symptoms ng Covid19 ang case ni mama, kailangan naming mag self-quarantine ng 14 days, bawal naming siya lapitan, 6 hours dapat makuha na siya ng Funeral Homes, 12 hours dapat ma-cremate na agad, hindi na nila matetest kasi matagal din ang resulta. Walang embalsamo, walang burol, basta bawal lapitan. Nasa pinto kami nakatingin sa katawan ni mama, suot yung daster na binili ko sa SM department store, yung diaper na hindi na napalitan ng hapon, at maliban pa doon, naramdaman ko ulit yung pakiramdam ko nung nakita ko si papa dati nung namatay, wala na siya dito, hindi na siya ito. Kailangan naming asikasuhin ang mga bagay-bagay. Tawagan ang mga dapat tawagan, mamaya na iiyak. "Si mama muna, last na ‘to, last na ‘to".

Pagdating ng gabi, napagdesisyonan namin ni Toi na gawin na lang lahat online, mahirap lumuwas, walang masasakyan, bawal din ng may ganap sa bahay. Kailangan na din naming pumili ng urn. Yung pinaka-maganda dapat, yung bagay sa aesthetics namin at ni mama. Yung pang pelikula, kasi yung buhay ni mama, papasang pelikula, 8 taon na bed ridden, 6 na mga pasaway na anak, 3 asawa, at 1 matatag at mapang-unawang puso. Isama mo pa na kamuka siya ni Miriam Defensor Santiago. Ang ganda, ma. Ang ganda-ganda mong tao. Ikaw yung best example ng grace under pressure, workaholic pero hindi kami napabayaan, pinalaki mo kami na alam namin ang aming halaga bilang isang indibidwal, mga tao na kayang maging maayos kahit hindi mabait ang mundo, na kahit ano pa ang mangyari kapag magkakasama at naguusap ng maayos nagagawa ang mga dapat at tamang gawin. Na ikaw ay mananatiling bahay na uuwian namin, kahit saan man kami dalhin ng buhay. Na kapag hindi na maayos sa labas, nandito ka sa loob ng mga puso namin, kung saan kami makakapagpahinga para maging matatag ulit. Sana makumpleto mo ang mga requirements mo sa susunod mong byahe, ok lang kami dito, ang lalaki na namin. Kaya na namin, handa na kami magpaalam, pero aasahan ang panahon na magkakasama tayo ulit, sa susunod na buhay. Maraming, maraming salamat, Mama.

 

 



 

Saturday, April 22, 2017

Tuesday, December 6, 2016

Sunday, December 7, 2014

Sunday, September 14, 2014

My Travelling Feet

A photo compilation of my feet in places I've been to.
Also posted on my Facebook account.







Twin Rock Beach, Catanduanes December 3, 2016


Puraran Beach, Catanduanes December 3, 2016





Marem Inn, Catanduanes December 3, 2016

At SM Light's 2nd floor. March 2016






MRT station March 2016

Falling in line to get beers. #Wanderland2016 3/5/2016

Morning stationary bike at home. January 2016
Fish Spa. Baguio. December 2015
Meeting at Camp Crame. July 2015
Baguio event photographer coverage. February 2015


At Elorde boxing Gym. 2014

Somewhere in Makati. 2014


An old photo I took while doing an ocular visit for a photo shoot. Abandoned building at Betty Go-Belmonte. 2/11/2012
With my client's dog. 2014

The Makati city lights. Sobering up after #FeteDelaMusique 2014.
Event photograher work at #NBAStorePH #FanFest. September 2014 — at Glorietta Activity Center.
Blue Lagoon Beach, Pagudpod Laoag Ilocos Norte 2014

See more at  http://meetmaiah.blogspot.com/2014/08/ilocos-2014.html





Photo shoot with the Radio Republic team at The Mind Museum, 2014
The hidden rainbow at Radio Republic. Magallanes, Makati. 2013 — in Makati.
Inside Wonderlounge at Wanderland Music Festival. Nursing my hangover from an Audio Drive Thru gig the night before. Hydrating up before the concert begins. Makati 2014. — at Wanderland Music Festival.

Water inside my cab. Manila 2013 — in Manila, Philippines.
Bridge to Mother Falls. Baler, Aurora circa 2013

http://meetmaiah.blogspot.com/2013/04/travel-to-baler.html
 — in Baler, Aurora.
Autumn leaves. Constanta, Romania circa 2012

http://meetmaiah.blogspot.com/2012/11/roaming-around-constanta.html
 — in Constanta, Romania.
About to cross the yard for coffee at 7am with this cute being. Medgidia, Romania 2012 — in Medgidia
Bridge to Kabigan Falls. Pagudpod Laoag Ilocos Nortecirca 2012

http://meetmaiah.blogspot.com/2012/09/travel-to-north.html
 — in Ilocos Norte, Philippines.

Waiting for my flight. Qatar Airport 2012 — at Doha, Qatar
CrystalbeachResort Zambales circa 2009

http://meetmaiah.blogspot.com/2009/09/zambales-birthday-beach.html
 — in Zambales, Philippines.